Pandayan Scholarship Subsidy

Pandayan Scholarship Subsidy

Pagkatapos ng Pandemya, ito ang unang beses na makakakuha ng award  ang aking mga  anak. Mula sa Grade 2 at Grade 5 sa kanilang paaralan ay nakasama sila sa With Honors. At ngayon ay nakakuha naman sila ng Certificate mula sa LK bilang Pandayan Scholars. Masaya kong ibinalita ito sa aking mga anak. Kaya’t nang nakita nila ang Certificate sa pagbati ng Pandayan ay tunay naman pong natuwa ang aking dalawang anak. Dagdag na rin po ang partner na gift check at cash na kanilang nakuha. Ito ay aming itinabi para sa kanilang savings. Masasabi kong sa ating kompanya ay hindi lamang tayong mga empleyado ang pinapangalagaan, maging ang ating pamilya. Kaya’t nakaka proud at masasabi nating masayang mapabilang sa ating kompanya. 

#Samalikha #TatakPandayan